top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-raket oks lang, basta legal

BULGAR
Mar 19, 2022
1 min read

@Editorial | March 19, 2022


Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, noong Enero ng kasalukuyang taon sa kabila nang mas mahigpit na quarantine level noon sa Metro Manila.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng mga unemployed adult Filipinos noong Enero 2022 ay pumalo sa 2.93 million, o katumbas ng 6.4 percent na unemployment rate.


Ito ay mas mababa kumpara sa 6.6 percent unemployment rate na naitala noon namang Disyembre 2021.


Ang Central Visayas ang may pinakamataas na joblessness rate sa lahat ng mga rehiyon matapos na makapagtala ng 6.4 percent noong Enero. Habang ang Cagayan Valley naman ang may pinakamababang joblessness rate sa 4.3 percent.


Kailangan talagang itodo ang kayod para tuluyang makabawi mula sa pandemya.


Bagama't kasabay nito ay sinusubok naman ang ating kakayahan kung paano sasabayan ang banta ng kaliwa't kanang taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo dulot ng non-stop oil price hike.


Maaaring makatulong ang mga ibinibigay na ayuda ng gobyerno pero batid naman natin na hindi ito pangmatagalang suporta.


Hindi naman natin masisisi ang kinauukulan dahil may limitasyon din ang pondo at may mga panuntunan na dapat sundin.


Kaya ang marami sa atin ay higit na umaasa na lang sa sariling diskarte. May mga nagdagdag na ng trabaho, kumuha ng ibang mapagkakakitaan at talagang raket nang matindi. Okay lang, basta legal.


Hangga't namumuhay tayo ng patas, walang problema. Pasasaan pa't makakaraos din tayo at tuloy sa pag-abot sa ating mga pangarap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page