top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-alala na gawan ng masama ng stalker

BULGAR
Jun 20, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | June 20, 2022


Dear Sister Isabel,


Nawa’y palagi kayong nasa mabuting kalagayan at ligtas sa anumang uri ng sakit at karamdaman. Naisipan kong sumangguni sa inyo tungkol sa stalker ko na hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong lubayan.


Palagi siyang nakasunod sa akin, pero biglang lumalayo ‘pag napansin niyang lalapit ako sa kanya upang kausapin siya. Ninenerbiyos ako dahil baka may gawin siyang hindi maganda sa akin kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Gusto ko na sanang magsumbong sa pulis, pero hindi ko itinuloy dahil naisip ko na baka lalong lumala ang sitwasyon at makaisip siya ng hindi mabuti.


Ano ang dapat kong gawin? Sana ay matulungan n’yo ako sa problema kong ito.


Nagpapasalamat,

Maribel ng Caloocan City



Sa iyo, Maribel,


Tunay ngang nakakanerbiyos kung may susunod-sunod sa iyo kahit saan ka pumunta at hindi mo naman kilala. Sabagay, tagahanga mo siguro ‘yan. Kung wala naman siyang ginagawang masama, hayaan mo na. Bukod sa paghanga sa iyo, marahil ay gusto niya na ligtas ka sa sinumang babastos o magtatangka ng masama sa iyo habang naglalakad ka sa daan. Gusto lang siguro niya na ipagtanggol ka sa masasamang loob dahil umuuwi ka nang nag-iisa mula sa iyong pinapasukan o pinupuntahan.


Gayunman, parang hindi ka mapakali. Sa palagay ko ay ipagdasal mo na lang na maganda ang hangarin niya na pawang para sa ikabubuti mo lang. Sa tamang panahon, kakausapin ka na niya at sasabihin ang laman ng kanyang damdamin. Ipanatag mo na lang ang iyong loob.


Ayaw mo ba niyan, may bodyguard ka laban sa masasamang tao na nagkalat sa kapaligiran? Tagahanga mo siguro ‘yan, pero nahihiya lang magsabi. Ngunit sa tamang panahon, magtatapat din siya sa iyo.


Kung isusumbong mo siya sa mga awtoridad ay baka magbunga pa ng hindi maganda. Ang mahalaga ay wala naman siyang ginagawang masama kundi protektahan ka sa iyong likuran kung mayroong panganib sa iyong daraanan. Magpasalamat ka na lang sa halip na mag-alala dahil binigyan ka ng Diyos ng aalalay sa iyong likuran.


Sumaiyo nawa ang kapayapaan at kapanatagan ng isipan. ‘Ika nga, think positive.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page