top of page
Search
  • BULGAR

Titser na makakapasa sa ikatlong take ng board exam

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 17, 2022




KATANUNGAN

  1. Tapos ako ng kursong education, pero dalawang beses na akong kumukuha ng teacher’s board exam, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pumapasa.

  2. Sa ngayon ay nagtuturo ako sa isang pribadong paaralan, pero maliit lang ang suweldo, kaya gusto kong pumasa sa board exam para makalipat sa public school.

  3. Sa ikatlong pagkakataon, kung kukuha ulit ako ng board exam, makakapasa na ba ako? Balak ko na kasing kumuha ulit sa susunod na taong 2023.

KASAGUTAN

  1. Maganda at tuloy-tuloy naman ang pag-usad pataas ng Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit hindi ka pa nakakapasa sa teacher’s board exam, hindi ka naman mawawalan ng trabaho o hanapbuhay, sa halip, tuloy-tuloy ka pa ring makakapagturo.

  2. Dagdag pa rito, bukod sa magandang Fate Line F-F arrow a.), mayroon ka ring Effort Line at Teacher’s Square (E-E arrow b. at arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema nga lang, medyo magulo at buhol-buhol (arrow d.), na nangangahulugang bagama’t magiging ganap ka ring guro at makakapasa sa board exam, hindi magiging madali para mangyari ‘yun. Bagkus, tulad ng nangyayari, kailangan mong pagsikapan nang todo ang nasabing layunin upang sa bandang huli, tutok ka talaga sa pagrerebyu at sa wakas ay makakapasa ka na rin.

  3. Ang pag-aanalisang hindi madaling maabot ang rurok ng tagumpay sa pagtuturo ay madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo magulo sa simula, pero naayos at gumanda na rin sa bandang gitna hanggang sa dulong bahagi. Ibig sabihin, pagtuntong ng edad mong 27 pataas, du’n palang tuluyang lilinaw at magsisimulang gumanda at yumabong nang husto ang iyong career bilang professional at successful na teacher.

DAPAT GAWIN

Enrique, ayon sa iyong mga datos, ituloy mo lang ang binabalak mong pagkuha ng board exam sa susunod na taong 2023 dahil sigurado na ang magaganap— sa ikatlong pagtatangka na sadyang pinaghandaan mo nang husto, makakapasa ka at magiging ganap na guro.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page