top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Titser, dedbol sa 3 ‘Agaw-Motorsiklo Gang’

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 13, 2023


MAGUINDANAO -- Isang guro ang namatay nang barilin ng tatlong miyembro ng “Agaw-Motorsiklo Gang” kamakalawa sa Bgy. Kauran, Ampatuan sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Charles Flores, nasa hustong gulang at guro ng Kauran Elementary School.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Flores nang harangin ng mga suspek at pagkaraan ay biglang pinagbabaril ang biktima at saka tinangay ang motorsiklo ng guro.


Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek at hindi muna ito pinangalanan hangga’t hindi pa nadadakip ang dalawa nitong kasamahang miyembro ng “Agaw-Motorsiklo Gang”.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page