ni Gerard Arce @Sports | August 14, 2024
Mga laro sa (Huwebes)
(Philsports Arena)
1 n.h. – Capital1 vs Farm Fresh
3 n.h. – Akari vs NXLed
5 n.h. – Cignal vs Galeries
Pinunuan ni Mary Anne Mendrez ang kakulangan sa opensa ng Choco Mucho Flying Titans para manatiling buhay ang tsansa sa q'finals matapos patirikin ang Chery Tiggo Crossovers sa dikdikang 5th set panalo na nagtapos sa 25-16, 25-11, 23-25, 19-25, 15-12, kahapon sa unang laro ng crossover elimination round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Humataw ang dating UE Lady Warriors spiker ng team-high 18 puntos mula sa 14 na atake, 2 aces at 2 blocks upang pamunuan ang opensa ng Flying Titans tungo sa ikalawang panalo lamang ng koponan sa liga katabla ang Farm Fresh Foxies sa 2-4 kartada.
Sumegunda sa scoring si Dindin Santiago-Manabat na tumapos ng 17 puntos, gayundin sina Maddy Madayag sa 11 puntos at import Zoi Faki sa 10 puntos. “Super laking bagay na pagkatiwalaan ako ng coaches namin, yung mga coaches ko na laging nasa likod ko at alam kong laging nakasuporta sila,” pahayag ni Mendrez matapos ang laro. “Always lang na need mag-step up, kung sino man andyan at kung mabigyan ng chance ng coaches. Kaya sa training pa lang malaking bagay yung ibinigay na tiwala sa akin ng coaches.”
Patuloy na wala sa koponan ang kanilang star spiker na si Cherry Anne “Sisi” Rondina na kumakampanya para sa Alas Pilipinas, habang nasa mababang ambag si Honey Royse Tubino na 6 na puntos at nina Maika Ortiz na may pito, samantalang namahagi si Deana Wong ng 19 excellent sets at Tonnie Rose Ponce sa 14 excellent digs.
Comments