top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tirador ng convenience store, wanted

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2023


AKLAN – Isang shoplifter ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng mga paninda sa isang convenience store sa Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang convenience store na pinagnanakawan ng suspek.


Ayon sa ulat, nagpanggap na kostumer ang suspek at matapos kunin ang mga panindang delata ay mabilis itong lumabas ng store.


Nabatid na hinabol pa ng kahera at mga crew ng convenience store ang suspek, pero nakatakas ito.


Sa ngayon ay naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page