top of page
Search
BULGAR

Tips para sa mga first-time mom

ni Jenny Rose Albason @Lifestyle | June 5, 2024



File photo

 

Isa ka rin ba sa mga excited na magkaroon ng baby, ngunit natatakot at nangangamba kung paano maging mabuting ina?


Knows namin na marami kayong tanong kung ano ang mga dapat gawin. Ang mga tip na aking ibibigay ay makakatulong para sa mga first-time mom upang maging confident kayo sa pag-aalaga ng inyong newborn baby.


  1. MATUTONG HUMINGI NG TULONG. Ang isa sa pinakaimportanteng bahagi sa pag-aalaga ng baby ay ang pag-aalaga rin ng iyong sarili. Matutong humingi ng tulong lalo na sa ganitong sitwasyon na ikaw ay bagong panganak. Oki? Para ‘di ka rin mabinat, besh! 

  2. PAANO BUHATIN SI BABY?


Ang una n’yong dapat gawin ay maghugas ng kamay (o gumamit ng hand sanitizer).

Ang mga newborn ay wala pang malakas na immune system, kaya mataas ang kanilang panganib na magkaroon ng infections. Siguraduhin ding ang lahat ng hahawak sa iyong baby ay malinis ang kamay.


Pangalawa, suportahan ang ulo at leeg. Ingatan ang ulo sa tuwing  bubuhatin si baby. 

Pangatlo, huwag aalugin si baby, sa paglalaro man o kapag naiirita. Ang pag-alog ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa utak o kamatayan. Kung kailangan mong gisingin ang iyong baby, kilitiin ang kanilang mga paa o hipan ng mahina sa kanilang pisngi.


Pang-apat, always make sure na naka-secure si baby kapag gumagamit ng carrier, stroller, o car seat. 


  1. PAANO MAKIPAG-BONDING KAY BABY? Ang pagkakaroon ng bonding ay nangyayari sa mga unang oras at araw pagkatapos ng kapanganakan. Kapag ang mga magulang ay gumawa ng malalim na koneksyon sa kanilang anak. Ang physical closeness ay maaaring makatulong upang makabuo ng emotional link na makakatulong sa iyong baby na mag-develop sa ibang paraan.  


Ang isa pang paraan na maituturing na bonding ay ma-inlove sa iyong baby. Ang mga bata ay lalaking mabuti kung mayroong magulang o mahal sa buhay na magmamahal sa kanila unconditionally.


Ang isa pang paraan ay skin-to-skin contact (o ang tinatawag na kangaroo care), kung saan hawak mo ang iyong baby sa iyong dibdib. Makakatulong ito para sila ay pakalmahin at ma-regulate ang kanilang heartbeat. Ito ay Magandang practice para sa mga nanay at tatay.


Narito kung paano gawin ang skin-to-skin contact sa iyong baby:

  • Iwasang gumamit ng scented perfumes o lotions at lumayo sa mga naninigarilyo.

  • Umupo nang tahimik, makipag-usap ng mahina, mag-hum, kumanta, o magbasa.


  1. PAANO MAGLAGAY NG DIAPER? Dahan-dahang punasan si baby sa harap hanggang likod gamit ang tubig, cotton ball, at washcloth o wipes.


Pangalawa, maglagay ng diaper cream kung kinakailangan lalo na kung nagkakaroon na ng rashes si baby.


At pangatlo, huwag kalimutang maghugas ng kamay pagkatapos magpalit ng diaper. Oki?


  1. KAILAN DAPAT PALIGUAN SI BABY? Sa unang ilang linggo, ang mga sanggol ay nag-i-sponge bath. Pagkatapos matanggal ang umbilical cord at gumaling ang tuli (kung tinuli ang iyong baby), maaari na silang paliguan sa lababo o maliit na plastic na batya.


Kapag ang iyong baby ay handa na para sa bathtub, dapat ay banayad at saglit lang. 

Kung sila ay nagagalit, bumalik sa sponge bath sa loob ng isa o dalawang linggo, pagkatapos ay subukang muli ang bathtub. 

Ang madalas na pagligo ay maaaring makapag-dry sa balat ng baby.


  1. GAANO KADALAS DAPAT PAKAININ SI BABY? Kung pinapakain mo man ang iyong baby sa pamamagitan ng breastfeed o bote, maaaring napapaisip ka pa rin kung gaano kadalas ba dapat gawin ito. 


Generally, inirerekomenda na pakainin ang mga baby kapag nanghihingi — ibig sabihin, sa tuwing sila ay nagugutom. Maaaring ipakita sa iyo ng iyong baby na siya ay nagugutom sa pamamagitan ng pag-iyak, paglalagay ng mga daliri sa kanilang bibig, o paggawa ng mga ingay habang dumedede. 


Ang bagong panganak na sanggol ay kailangang pakainin tuwing 2-3 oras.


Ang breastfeed babies ay nakakakuha ng sapat na pagkain kung sila ay:

  • Mukhang satisfied

  • May higit 6 na beses na umihi o dumumi ng ilang beses sa isang araw.

  • Nakakatulog ng maayos


Ang pagiging first-time mom ay maaaring maging mahirap, ngunit sa paghahanda at suporta, matagumpay mo rin itong mairaraos. Mula sa pag-unawa sa mga pangangailangan ng iyong baby hanggang sa pangangalaga ng iyong sarili at paghingi ng tulong, makikita mo ang tiwala at kasiyahan sa iyong bagong tungkulin sa buhay bilang isang ina.


Remember, hindi ka nag-iisa sa journey na ito. Oki??

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page