Tips para mapalago ang negosyo sa maliit na puhunan
- BULGAR
- Apr 24, 2023
- 2 min read
ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 24, 2023

Lahat tayo ay nangangarap na guminhawa ang buhay o ‘di kaya ay yumaman.
Kaya ang ilang sa atin ay pinapasok na ang lahat na puwedeng pagkakitaan.
‘Ika nga nila, “Huwag mawalan ng pag-asa, basta masipag at madiskarte ka, sasagana ang iyong buhay.” Kaya naman, narito ang ilan sa mga paraan kung paano mapapalago ang negosyo sa maliit na puhunan:
Dapat ay alam natin kung gaano kalaki ang magiging puhunan sa negosyo upang magkaroon na ng ideya sa puwedeng maging Return of Investment (ROI).
Maghanap na maaaring gawing negosyo na swak sa iyong puhunan. Halimbawa, pagbebenta ng silog meals, pagbebenta ng mga frozen products, at pagtatayo ng online shop. Patok ang mga naturang negosyo para sa mga estudyante at mga nagtatrabaho na wala nang oras para mamili sa mga mall.
Humanap ng magandang lugar dahil mas mainam kung malapit sa paaralan, opisina at sa mga lugar na maraming tao.
Hangga’t maaari, paikutin ang puhunan. Iwasang gamitin ang kita para sa mga bagay na ‘di naman nakakadagdag sa iyong puhunan.
Tandaan mo, responsibilidad mo bilang may negosyo na palaguin ang iyong mga mamimili. Siguraduhin na maayos at malinis ang kapaligiran upang maiwasan ng reklamo ng mga mamimili. Pagdating naman sa online, siguraduhing maayos at maipadala nang tama ang order ng iyong mga customer.
Upang lumago ang iyong negosyo, paunti-unti mong dagdagan ang iyong paninda. Pumili ka ng iba pang produkto na maaari mo pang itinda nang sa gayun ay lumaki ang iyong negosyo.
Higit sa lahat, maging tapat at ‘wag maging gahaman. Dahil mas pahahalagahan ka ng iyong mga customer kung ikaw ay tapat sa kanila.
Oh, alam niyo na mga ka-BULGAR, maaari niyo na rin itong sundin upang pare-parehas tayong umasenso!
Gets mo?
Sobrang laking tulong nito mas lalo na sa mga pilipinong gustong mag tayo ng sarili nilang Negosyo! Maraming salamat!