top of page
Search
  • BULGAR

Tips para hindi tumaba ngayong holiday season

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 24, 2020




Wala talagang makapipigil kahit sino sa atin ang kumain ang kumain ngayong darating na holiday season. Kahit pa umulan ng malakas, lumamig man ng todo ang panahon, magkasama-sama man para sa kuwentuhan ang lahat, puro kain pa rin ang ating aatupagin bukod sa kuwentuhan. Mas madalas sa hindi, ang pagkain ang siya pa ring hindi eksaktong pinakamalusog na bagay sa mundo. Pero ano ang magagawa natin kung bumabaha ng pagkain. May paraan naman para maiwasang bumigat ang timbang at tumaba ngayong Kapaskuhan.


1. Ilang linggo bago ang Thanksgiving, gumawa ng ekstrang matalinong paraan para kumain nang tama.Bigyang atensiyon kung anuman ang iyong kinakain at kung gaano na karami ang iyong kinokonsumo. Makokontrol mo ang kinakain sa panahon na ito at maging ekstrang maingat sa katawan. Sa paraang ito hindi ka man magkaroon ng dagdag na timbang, habang maraming handaan, tiyak naman na hindi pa rin madaragdagan ang bigat ng iyong katawan. Kung pakiramdam mo’y busog ka na at puno na ang tiyan mo, at least malaman naman ng iba na busog ka na dahil tatanggi ka na para sa panibagong sandok pa ng pagkain.


2. Sa araw ng Thanksgiving, maging matalino kung anuman ang mga pagkain na ilalagay mo sa iyong plato. Magsandok lang ng karne, walang taba,at iwasan ang gravy at maalat na pagkain. Puwede ring kumain ng matatamis pero kung kakain ka, iwasan ang butter o kaya ay mag-fat free na pagkain ka na lang. Kumain ng maraming gulay pero hindi ihahalo sa matatabang mga sangkap. Mayroon ding nilagang gulay. Maging matalino , alamin kung anong pagkain ang mataba at kung ano ang hindi.


3. Iwasan ang softdrinks at makolesterol na pagkain. Kung magdidiyeta sa softdrinks at makolesterol na pagkain, kontrolin lamang ang kain at uminom ng maraming tubig.


4. Kontian lamang ang pagkain ng minatamis at eksaktong sabihin sa sarili kung ano lamang ang kakaunting dapat kainin. Humanap ng alternatibong kakainin gaya ng jell-o sa halip na pie. Pero kung gusto mong kumain ng pie o ice cream tiyakin na gawin itong simple at huwag nang dagdagan ng whip cream o fudge o iba pang hindi masustansiyang toppings.


5. Ang pinakamabisang paraan para ‘di ka tumaba ay ang makatulog ka at mapabilis mo ang iyong panunaw. Gumawa ng bahagyang aktibidad matapos makakain kahit na paglalakad lamang ng kaunti sa lugar. Hindi man gaanong nakasisiya pero magtakda ng petsa kahit paano na mag-gym o tumakbo ng ilang araw matapos kumain nang marami. Mas magiging maganda ang iyong pakiramdam, matapos na magpapawis at mas handa kang muli na kumain pa uli nang marami.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page