top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tindero, tinangkang patayin ng kapwa tindero

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 10, 2023


CAMARINES SUR—Isang tindero ang tinangkang patayin ng kapwa niya tinder, kamakalawa sa Bgy. Igualdad, Naga City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Joseph Asignado, 58, samantalang ang suspek ay si Wilmer Corpuz, 41, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Asignado at Corpuz na humantong para maglabas ng patalim ang suspek at tinangkang saksakin ang biktima.


Napag-alaman na nakita ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya na hinahabol ni Corpuz si Asignado para saksakin kaya sinita ng mga operatiba, dinisarmahan at dinakip ng mga operatiba ang suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong attempted homicide at illegal possession of deadly weapon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page