top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Tindero, dinedbol ng kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 29, 2023


QUEZON -- Isang tindero ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Lalig, Tiaong sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na si Christopher Magbayao, samantalang ang suspek ay si Ryan dela Rosa, kapwa nasa hustong gulang, at pawing nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng tricycle si Magbayao ay biglang sumulpot si Dela Rosa at agad pinagbabaril ang biktima.


Isinugod agad ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap si Dela Rosa sa kasong murder, illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page