top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tindera, todas sa motorsiklo

BULGAR
May 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 09, 2021


PANGASINAN—Isang tindera ang namatay nang mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Domanpot, Asingan.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rochelle Gomina, residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang naglalako umano ng kanyang panindang mga karne ng baboy si Gomina ay aksidente itong nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Jimroy Cruz, nakatira din sa naturang bayan.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nakapiit na si Cruz na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page