top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Three-storey building, nasunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 19, 2021


NEGROS OCCIDENTAL—Isang three-storey building ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bacolod City.


Ang nasunog na gusali ay sa Tindalo St., Bgy. Villamonte sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang sumiklab ang sunog sa kuwarto ng gusali at mabilis na kumalat ang apoy kaya nasunog ang buong three storey building.


Kaagad rumesponde ang mga bumbero at makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy sa nasunog na gusali.


Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong faulty wiring ang sanhi ng sunog, samantalang wala namang naiulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page