Teroristang gunrunner, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | February 22, 2021
SULU—Isang teroristang gunrunner ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Kansipat, Panamao.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Wahid Sahid, miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Sahid sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments