top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Teroristang Abu Sayyaf, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2020



BASILAN—Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Aguada, Isabela City.


Kinilala ang suspek na si Ranger Siason, miyembro ng ASG na nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant ang bahay ni Siason at dito nakumpiska ang dalawang granada at iba’t ibang uri ng bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa loob ng kanyang bahay.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng kasong isasampa sa naturang terorista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page