Terorista, todas sa checkpoint

@Balitang Probinsiya | November 28, 2020
SULTAN KUDARAT—Isang teroristang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa checkpoint sa Bgy. ECJ Montilla, Tacurong City.
Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Abdul Lamalam, miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na habang nagmamando ng checkpoint ang mga tauhan ng pulisya at militar ay napadaan si Lamalam na nakalulan sa motorsiklo, pero imbes huminto ay pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang terorista.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala mula sa suspek sa pinangyarihan ng insidente.



Comments