top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Team leader, 6 medics ng NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 13, 2020



MAGUINDANAO—Isang team leader at anim na medics ng New People’s Army

(NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumukong terorista na pawang nag-o-operate sa Mindanao.


Napag-alamang isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at bala sa

headquarters ng 6th Infantry Division ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing

lalawigan.


Ayon sa mga sumukong terorista, nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan dahil gusto na nilang magbagong-buhay.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page