top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Taxi driver, hinoldap ng pasahero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 11, 2023


ILOILO -- Isang taxi driver ang hinoldap ng kanyang pasahero kamakalawa sa Bgy. Pakiad, Oton sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Sonny Tamiano, 48, nakatira sa La Paz District, Iloilo City.


Ayon sa biktima, naisakay niya ang suspek sa Iloilo City at nagpapahatid sa bayan ng Oton, pero pagsapit dito ay tinutukan siya ng patalim at nagpahayag ng holdap. Kinuha ang kinita ng driver sa pamamasada at tinangay din ang pinapasada nitong taxi.


Agad na nagtungo sa pulisya si Tamiano at ini-report ang insidente habang rumesponde ang pulisya na naging dahilan upang marekober ang taxi, pero wala ang suspek.


Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang holdaper.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page