Tattoo artist, timbog sa drugs
@Balitang Probinsiya | July 5, 2023
AKLAN -- Isang tattoo artist ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Aljon Bacole, 24 at residente ng nabanggit na bayan.
Sa ulat, nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ni Bacole ng droga ay dito na inaresto ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Bacole.



Comments