top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tatlong miyembro ng BIFF sumurender

BULGAR
Nov 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2022


MAGUINDANAO—Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Zapakan, Radjah Buayan.


Para sa kanilang seguridad ay hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong miyembro ng BIFF.


Ayon sa ulat, isinuko ng mga terorista ang kanilang mga dalang armas at pampasabog.

Sinabi ng mga sumukong BIFF members na gusto nilang magbagong-buhay, kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang tatlong sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page