Tatay na 89-anyos, pinatay sa saksak ng anak na 64-anyos
- BULGAR

- Jul 19, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2020

Hinostage at pinatay sa saksak ang 89-anyos ng sarili niyang anak na 64-anyos sa kanilang bahay sa Quezon City noong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat, bandang alas-8 ng umaga nang makarating sa Barangay Del Monte ang insidente ng pangho-hostage ng kinilalang si Arnelito Aldiz sa ama nitong si Roberto Aldiz.
Duguan at wala nang buhay ang biktima nang dumating ang awtoridad. Nagpaputok pa diumano ng baril ang suspek sa mga pulis kaya kaagad na gumanti ang mga ito.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa balikat ang suspek at kaagad na dinala sa pagamutan.
Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente ngunit pera o mana ang hinihinalang dahilan ng krimen.





Comments