top of page
Search
  • BULGAR

Taong otso na ‘di natuloy abroad, susuwertehin sa negosyong konektado sa agri products

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 5, 2020



Dear Maestro,

Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung susuwertehin ako kapag ako ay nagtrabaho sa ibang bansa? Kung magnenegosyo naman ako, ano’ng business ang bagay sa akin? Noong bago mag-lockdown, may mga aplikasyon ako sa abroad, malapit na sana akong umalis noong April, kaya lang, March pa lang ay nag-lockdown na kaya hindi ako natuloy.


Naguguluhan ako kung saan at sa paanong paraan gaganda at uunlad ang kapalaran ko? January 17, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Anna Marie ng Libtong, Libon, Albay

Dear Anna Marie,

Ayon sa birth date mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) sa zodiac sign mong Capricorn at sa destiny number mong 2 (1+17+1991=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2), mapalad ka sa mga negosyong may kaugnayan sa agricultural products o lahat ng kalakal na nahuhukay at nakukuha sa bukid at sa ilalim ng lupa tulad ng lahat ng ani ng gulay, laman-ugat at mga prutas habang ang paghahayupan ay maaari mo ring isaalang-alang.


Dagdag pa rito, ayon sa iyong Career Calendar, “Suitable career will be in practical, routine or organizing work, possibly as government official, member of the armed forces, administrator; a job in the public eye as politician, school administrator, or orator; also as an osteopath, mathematician, scientist, engineer or builder.” Puwede rin sa iyo ang mga negosyong may kaugnayan sa accounting, commerce, banking at iba pang kauri nito, gayundin ang mga gawaing may kaugnayan sa pagkain at paglalakbay.


Magiging mapalad ka naman sa pangingibang-bansa kung ikaw ay nagtataglay ng Travel Line na matatagpuan sa kaliwa at kanan mong palad na madalas nating tinatalakay sa kolum na Ang iyong Kapalaran Ayon sa Guhit ng Palad. Ito ay ang guhit na sumangga mula sa Life Line palawak at patungo sa ilalim na bahagi ng palad. Paki-tingnan kung may Travel Line ka sa iyong mga palad at kung nagkataong mayroon ka ng nasabing guhit o linya, tiyak ang magaganap ayon sa iyong Travel Calendar, sa 2023, sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page