top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tanod, patay sa baha

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2023


CAMARINES SUR — Isang babaeng barangay tanod ang namatay nang malunod sa tubig-baha kamakalawa sa Bgy. Scout Fuentabella, Goa sa lalawigango ito.


Ang biktima ay kinilala na si Gina Barde, 51-anyos, at residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang kasagsagan ng buhos ng ulan ay lumabas ng kanilang bahay si Barde para magtungo sa barangay hall upang mag-duty bilang barangay tanod, pero tinangay ito ng rumaragasang tubig-baha.


Nabatid na nagtangka ang mga residente na saklolohan si Barde, pero lumubog ito sa lampas-taong tubig-baha.


Natagpuan ang bangkay ni Barde nang humupa na ang tubig-baha.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page