top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tanod, dinedbol ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2022


NORTH COTABATO—Isang barangay tanod ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Satar Gansali, 44-anyos at residente ng Pamalian ng naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang dikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ant barangay tanod.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page