Tanod dinedbol ng mga armado
@Balitang Probinsiya | April 01, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang barangay tanod ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Quintin Remo, Moises Padilla sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Marvin Caramihan, 50, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Caramihan ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments