Tanod, dinedbol ng kagawad
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 17, 2024
LEYTE -- Isang barangay tanod ang namatay nang barilin ng isang kagawad kamakalawa sa Brgy. Bagacay East, Lapaz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Barangay Tanod Francis Berones, samantalang ang suspek ay si Kagawad Julio Custodio, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Berones at Custodio na humantong para pagbabarilin ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nadakip naman ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments