Tanod dedbol sa nililinis na baril
- BULGAR
- Nov 9, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 9, 2022
QUEZON—Isang barangay tanod ang namatay nang aksidenteng pumutok ang nililinis niyang baril kamakalawa sa Bgy. Talaan Pantoc, Sariaya.
Kinilala ang biktima na si Enrique Gollena, 60-anyos at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, habang nililinis ni Gollena ang kanyang .45 pistola sa balkonahe ng kanilang bahay ay aksidente itong pumutok at tinamaan sa katawan ang biktima.
Dinala ng kanyang mga kamag-anak si Gollena sa pagamutan, pero namatay ito habang ginagamot sa ospital.
Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.



Comments