Tanod binaril sa ulo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2023
BATANGAS – Isang barangay tanod ang namatay nang barilin sa ulo ng isang hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa Bgy. Wawa, Batangas City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala na si Sorbeto Quinto, 53, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang papasok si Quinto sa kanilang bahay, biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa likod ng ulo ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Quinto.



Comments