Tanod, arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | June 23, 2023
CAPIZ -- Isang barangay tanod ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Tugas, Mambusao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Danilo Luching, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may baril ang suspek, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte agad sinalakay ng mga awtoridad ang bahay nito at nakumpiska ang isang kalibre .45 pistola at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang arestuhin sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments