top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tambay, todas sa riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2023


COTABATO CITY – Isang tambay ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion 2 sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Arven Ponce, 36, at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaistambay si Ponce sa harap ng isang tindahan ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Ponce.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page