top of page

Tamang pagdadala sa mga COVID vaccine, pinraktis na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | February 10, 2021





Nagsagawa ang pamahalaan ng simulation exercise sa pagdadala ng mga vaccines mula sa airport patungo sa mga vaccination center bilang paghahanda sa pagdating ng COVID-19 vaccines nitong Pebrero.


Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., hindi nila inaasahan na mabilis ang naging resulta ng simulation exercise ngayong Martes.


Naglaan ang gobyerno ng 120 minuto para maisagawa ang bawat bahagi ng simulation kabilang na ang pag-transfer ng vaccine mula sa paliparan patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) subalit natapos at nakumpleto lahat ito ng 50 minuto lamang.


“Maganda ‘yung execution, ibig sabihin natin, ‘yung lahat ng mga parts, ‘yung mga driver, ‘yung mga operators and even ‘yung mga utility, they precisely (did) their part,” ani Galvez sa isang briefing matapos ang simulation exercise.


“So far, so good… We were able to do it much faster than what was planned,” sabi naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III. Iginiit din ni Galvez na “walang puwang ang pagkakamali” sa gagawing rollout ng vaccines, lalo na't ang Pfizer-BioNTech doses na inaasahang darating ay “napakaselan.”


“The more na matagal ang vaccine outside of the warehouse, malaki ang possibility na magkaroon tayo ng spoilage… Mas maganda na mas mapaliit pa natin ‘yung time,” aniya pa. Ang simulation ay pinangasiwaan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), National Task Force Against COVID-19, at ng Philippine National Police (PNP).


Nagsimula ang simulation exercises sa Ninoy Aquino International Airport kung saan ang mga “vaccines” ay ibinaba at isinailalim sa Bureau of Customs (BOC) clearance. Ang mga “vaccines” ay dinala sa RITM para sa inspeksiyon.


Matapos ang ginawang inspection sa RITM, ang mga “vaccines” ay ibibiyahe naman papunta sa mga healthcare facilities. Ang mga ospital na tatanggap ng unang batch ng bakuna ay ipapamahagi sa buong Metro Manila, Cebu at Davao.


Ayon naman kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nagsagawa ng simulation upang maiwasan na maaksaya ang mga bakuna. “Along all of these processes, we monitor the temperature of the vaccines so that we can see what would be the changes in the temperature in all of these processes so that we can address gaps, if ever, so that we don’t have wastage of these vaccines,” ani Vergeire sa isang interview.


Umabot sa 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ang matatanggap ng bansa, na tama lamang sa 58,500 health workers. Sinabi ni Duque, na ang sobrang doses ay ibibigay sa mga health workers na militar at pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page