Talangka na simbolo ng zodiac sign na cancer, sumpungin at emosyonal ang ibig sabihin
- BULGAR

- Sep 29, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 29, 2020
Dear Maestro,
Ako ay isinilang noong July 7, 1995 at sa pagkakaalam ko, ako ay may zodiac sign na Cancer. Gusto kong malaman kung anu-ano ang pangunahing katangian at ka-compatible ng isang Cancer at kailan magkaka-boyfriend?
Umaasa,
Ms. Cancer ng Rosario, Lopez, Quezon
Dear Ms. Cancer,
Tulad ng larawang sinisimbolo ng inyong zodiac sign na Cancer, ito ay isang “talangka,” puwede ring tawaging “alimasag” o “alimango”. Sinasabing ang mga Cancer ay may pagka-sumpungin at emosyonal.
Nangyaring ganyan ang malaon nang paniniwala tungkol sa zodiac sign na Cancer, ayon Traditional Astrology, sapagkat ang simbolo o larawang iniuugnay dito ay makapal ang balat sa labas o ang kanyang pinakabahay o talukap, ngunit ampaw o wala naman gaanong tigas ang loob ng kanyang katawan.
Kaya ipinapalagay na ang pangunahing katangian o ugali ng isang Cancer ay maramdamin at emosyonal, laging may takot at alalahanin sa buhay. Ang mga nabanggit na katangian ay ang sinasabing mga pangunahing negatibong ugali ng isang Cancer.
Gayunman, dahil sa “tubig” nakatira ang isang Alimango, bagama’t siya ay isang maramdaming nilalang, puno naman ng “intuition” at “instinct” ang kanilang buhay.
Ibig sabihin, maaari mong maloko o madaya ang isang Cancer kung siya ay hahainan mo ng magagandang kuwento at panra-raket, ngunit sa sandaling ginamit niya ang kanyang “intuition”, pakiramdam o pandama sa halip na isip o pangangatwiran, siguradong hindi mo madadaya o maloloko ang isang Cancer.
Ganundin sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, nakapagtatakang mientras nagiging praktikal at ginagamit ang isipan, saka naman nagkakandabigu-bigo sa buhay ang Cancer. Ngunit sa sandaling gamitin ang likas na pandama at matalas na emosyon, doon naman nakasusumpong ng panghabambuhay na kaligayahan ang isang Cancer.
Mapalad ang Cancer sa kulay na berde, sapagkat ang kanyang ruling planet ay Moon o buwan. Dahil dito, likas din silang binubuwenas sa panahong napakalaki (full moon), bago o new moon, gayundin sa panahong nasa first quarter at papabilog ang buwan sa langit.
Ka-compatible naman ng Cancer ang kapwa niya may water elemental signs na Pisces, Scorpio at kapwa Cancer, gayundin ang earth signs na Capricorn, Virgo at Taurus, gayundin ang mga taong may birth date na 2, 11, 20, 29, 78, 16, at 25 at silang may birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 29, 28, 8, 17 at 26.




Comments