top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Talamak na online child exploitation, nakakaalarma na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2021
1 min read

@Editorial | February 13, 2021




Bahay ang inaasahang pinakaligtas na lugar dahil narito ang pamilya.


Gayunman, sa iba ito ay maituturing na impiyerno kung saan nagaganap ang iba’t ibang uri ng karahasan at pagmamaltrato.


Isa na rito ang talamak na pang-aabusong seksuwal. Ilang insidente na ang naiulat tungkol sa asawang ginulpi dahil sa pagtanggi sa ‘kalabit’ at anak na ginahasa ng sariling magulang o kapatid.


At sa kabila ng lockdown, tila lalong tumindi ang banta ng pang-aabuso.


Ginawang sangkalan ang kawalan ng hanapbuhay. Naging talamak ang online child exploitation, pilit ibinubugaw ang mga bata kapalit ng pera.


Hindi na bago ang ganitong kawalanghiyaan, lalo lang tumindi at para bang normal na sa iba.


Kaya malaking hamon sa ating gobyerno na palakasin pa ang kampanya laban sa ganitong gawain.


Malaking tulong ang patuloy na ugnayan sa mga awtoridad sa ibang bansa na madalas pagmulan ng impormasyon ‘pag may nahuhuli silang nasasangkot sa parehong krimen.


Tulad nang inilunsad na magkakahiwalay na operasyon ng PNP Women and Children Protection Center at International Justice Mission sa Tarlac City at Angeles City, Pampanga, kung saan dahil sa tulong ng impormasyon mula sa Australian Federal Police at US Homeland Security, may mga batang nasagip mula sa online sexual abuse na ang mga suspek ay mismong mga magulang.


Ang ganitong nakakaalarmang insidente ay dapat nang tapatan ng mas mabigat na parusa para hindi na magpatuloy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page