top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takot na iwanan ng bf matapos ibigay ang pagkababae

BULGAR
Jun 30, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 30, 2022




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at mahal na mahal ko siya, kaya kahit labag sa kalooban ko at hindi pa ako handa ay naibigay ko na sa kanya ang aking pagkababae. Mula nang maibigay ko sa kanya ang aking virginity, palaging may takot sa aking isipan na iwanan niya ako.

  2. May pagka-conservative kasi ako at pinalaki ako ng mga tita ko na purong manang at malalapit sa simbahan. Maestro, ano ang nakikita n’yo sa ang aking mga palad, siya na ba ang makakatuluyan ko at makakasama habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Suwerte ka, Gwen, sapagkat nagkataong isa lang ang mahaba, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na malaki ang posibilidad na kung ang boyfriend mo ang iyong first love at kung matagal na rin ang inyong quality at meaningful relationship, walang duda na kayo na ang magkakatuluyan.

  2. Ang pag-aanalisang puwedeng kayo na ang itinakda sa isa’t isa ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Virgo at Taurus naman ang boyfriend mo. Bukod sa compatible ang Taurus at Virgo, dahil kapwa sila nagtataglay ng elementong earth o lupa, sa statistical na tala, sinasabing maraming Virgo at Taurus ang nagkatuluyan at nagsama nang panghabambuhay at naging maligaya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang masama ang premarital sex dahil para sa mga moralista. Gayundin, sa paniniwala ng simbahan, ang pagtatalik ay dapat lamang gawin ng legal na mag-asawa. Subalit ang nakakapagtaka, habang patuloy at mabilis na umuunlad mundo dahil sa impluwensya ng social media, dumadami rin ang mga kabataang nagtatalik bago magpakasal.

  2. Kaya naman, ano pang silbi ng gumagaan at high-tech na buhay kung mabilis din namang bumababa ang moral value ng bansa, partikular ang mga kabataan ngayon? Nangangahulugan ba ito na habang tumatagal ay sumasama ang mga tao at lalong nabubulok ang lipunan, partikular sa aspeto ng moralidad?

  3. Kaya, Gwen, hangga’t maaari ay iwasan n’yo ng boyfriend mo ang premarital sex dahil tulad ng nasabi na, labag ‘yan sa kalakarang moral. Subalit anuman ang mangyari, ayon sa iyong mga datos, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa susunod na isa o dalawang taon pa o sa year 2024 at sa edad mong 25 pataas, ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan. Gayundin, kayo na ang itinakda ng tadhana upang magsama at bumuo ng simple, pero masaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page