Taga-city hall, tinodas
@Balitang Probinsiya | June 18, 2023
ALBAY -- Isang kawani ng city hall ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki sa tapat ng kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Homapon, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Joseph Lorilla, empleyado ng Legazpi City Hall, at residente sa nasabing barangay.
Batay sa ulat, nasa tapat umano ng kanilang bahay si Lorilla nang biglang sumulpot ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek, matapos matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Lorilla.



Comments