top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

Tag-ulan na naman, kumusta na ang flood control projects?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 20, 2026



Editoryal, Editorial


Halos araw-araw na ang pag-ulan, na sinusundan pa rin ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa. 


Hindi tuloy maiwasan na mag-init na naman ang ulo ng taumbayan. Kung ginamit lang sana sa maayos ang pondo para sa flood control projects, wala sanang nalulubog sa baha o istrukturang bumibigay dahil sa kapalpakan.


Kumusta na nga kaya ang imbestigasyon sa flood control scandal?

Ano na kayang nangyari sa mga nabulgar na overpriced, substandard at ghost projects?


Nakakagalit dahil habang ang ordinaryong mamamayan ay nakikipagsapalaran sa baha, may mga opisyal at kontratistang nakinabang sa katiwalian. Ang pondong para sana sa kaligtasan ng tao ay nauwi sa korupsiyon.


Ang imbestigasyon sa mga flood control projects ay dapat maging seryoso, mabilis, at walang kinikilingan. Hindi rin dapat nasasapawan ng ingay o gulo sa pulitika.


Huwag naman sanang makalimutan na lang ang lahat. Alalahanin natin na ang korupsiyon ang nagpapalubog sa mamamayan sa baha at kahirapan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page