Syrian national, sugatan sa trak

@Balitang Probinsiya | December 11, 2020
CAMARINES SUR—Isang Syrian national ang sugatan nang mabangga ng trak ang minamaneho nitong kotse kamakalawa sa Bgy. Cabasag, Del Gallego.
Kinilala ang biktima na si Shaheen Yahya, turista at pansamantalang naninirahan sa Pampanga.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Yahya ang kotse ay nag-overtake ito sa sinusundang trak na naging sanhi upang mabangga ito ng isa pang kasalubong na trak.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng trak na si Roderick Padrigon na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments