Supervisor dedo sa dalawang nakaparadang sasakyan
@Balitang Probinsiya | December 10, 2022
CAVITE—Isang supervisor ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa dalawang nakaparadang sasakyan kamakalawa sa Bgy. Biga, Tanza.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Brian Labordo, 29-anyos, residente ng Dasmarinas City sa naturang lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Labordo sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya bumangga ito sa mga nakaparadang motorsiklo at multicab sa nasabing lugar.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments