Search
  • BULGAR

Super LPG, may ibubuga kontra NP Batang Pier

ni ATD - @Sports | October 16, 2020




Mga laro ngayon:

(AUF Sports Arena)

4:00 pm. - TerraFirma vs Rain or Shine

6:45 pm. - San Miguel Beer vs TNT

Nasilo ng Phoenix FuelMasters ang pangalawang sunod na panalo matapos kalusin ang NorthPort Batang Pier 110-105 sa PBA Bubble Philippine Cup kagabi sa AUF Sports Arena sa Clark, Pampanga.

Nagtala si Jason Perkins ng 31 points at 12 rebounds para akbayan ang FuelMasters sa panalo at ilista ng 2-0 record.

Mahigpit ang naging bakbakan ng dalawang teams sa first period kung saan nagtabla ang iskor sa 23-all papasok ng second quarter. Bahagyang nakalamang ang FuelMasters sa halftime, 45-41.

"We came here trying to be the best person. We are here we will wanna grow as a team. We are in the best position. We will be hungry for more, no celebration yet," saad ni coach Topex Robinson ng Super LPG sa post game interview.

Samantala, kahit may coronavirus pandemic ay mananatiling nakatutok ang Rain or Shine Elasto Painters na sikwatin ang pangalawang sunod na panalo.

Nakatakdang harapin ng Elasto Painters ang Terrafirma Dyip ngayong alas-4 ng hapon sa bubble play sa parehong lugar.

Tangan ang 1-0 record, pinapaboran sa E-Painters laban sa Dyip na natalo sa kanilang unang laban sa restart ng PBA.

Kinabog ng RoS ang reigning five-time all-Filipino champs San Miguel Beermen, 87-83.

Sina Javee Mocon at Rey Nambatac ang naging instrumento ng Rain or Shine sa panalo.

Ayon kay ROS coach Caloy Garcia, matagal na natengga ang kanyang mga bataan sapul nang itigil ang liga dahil sa pag-atake ng COVID-19.

Para sa TNT Tropang Giga, pakay nilang makuha ang panalo kontra Beermen sa alas-6:45 ng gabi upang manatili sa top spot ng team standings.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.