Sunshine Garcia, buntis sa 3rd baby kay Alex Castro
- Lucille Galon
- Sep 24, 2024
- 1 min read
Ni Angela Fernando @Entertainment | September 23, 2024

Photo : Sunshine Garcia | IG
Buntis uli ang dating Sexbomb dancer at aktres na si Sunshine Garcia sa kanyang ikatlong anak kay Bulacan Vice Gov. Alex Castro sa edad na 40.
Ibinahagi ni Sunshine ang masayang balita sa isang Instagram post na naglalaman ng mga larawan niya mula sa ika-40 kaarawan nu'ng Linggo.
”40 and preggy. Parang kailan lang 40 na agad and preggy ulit? Totoo na ito bunso na talaga ['yan]," saad ni Sunshine sa post.
Inulan naman ng congratulatory messages at suporta ang nasabing post ng dancer mula sa mga malalapit na kaibigan at tagasuporta.



Comments