top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Sundalo nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2023


CATANDUANES—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Pagsangahan, San Miguel sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Pfc. Rodney de Jesus, nakatalaga sa 83rd Infantry Battalion ng PA na nakabase sa lalawigan.


Nabatid na tumatawid umano sa ilog si De Jesus, kasama ang ilang sundalo nang rumagasa ang agos sa ilog kaya tinangay ang biktima.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga kasamahang sundalo ni De Jesus, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.


Nabatid na makalipas ang ilang oras na paghahanap ay nakita rin ang biktima, pero patay na ito nang iahon sa ilog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page