Sundalo dedo, 6 sugatan sa ambush ng NPA

@Balitang Probinsiya | October 20, 2020
ALBAY—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay at anim na kawal pa ng pamahalaan ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Del Rosario, Oas.
Ang nasawing ay si Sgt. Ignacio Refuerzo, samantalang hindi na muna pinangalanan ang anim na sundalong nasugatan sa pananambang ng mga NPA.
Ayon sa ulat, habang lulan ng military vehicle ang mga sundalo nang bigla silang tambangan at pagbabarilin ng mga NPA.
Matapos ang pananambang ay mabilis na tumakas ang mga rebelde patungo sa bulubunduking lugar sa nasabing bayan.
Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Refuerzo.



Comments