top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sundalo, dedbol sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 11, 2020



NEGROS ORIENTAL—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Sandayao, Guinhulngan City.


Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang napatay na sundalo hangga’t hindi naipapabatid sa pamilya nito ang pagkamatay ng biktima.


Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga terorista kaya’t tinamaan ng bala at napatay ang biktima.


Kaagad gumanti ng putok ang mga kawal ng Philippine Army (PA) dahilan upang tumakas ang mga NPA.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na mga terorista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page