Sumalpok sa railings, rider dedbol
@Balitang Probinsiya | Oct 26, 2021
CAPIZ—Patay ang rider nang aksidenteng bumangga sa railings ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Lantangan, Pontevedra.
Nakilala ang biktima na si Cybon Kent Dolor, 24-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo ang biktima dahilan upang bumangga ito sa railings.
Nabatid na matapos bumangga sa railings ay tumilapon ang biktima at nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Kaagad dinala ng mga saksi ang ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments