top of page

Suko na sa babaerong asawa, makakahanap ng guy na mas ka-compatible

  • BULGAR
  • Mar 21, 2021
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 21, 2021


Dear Maestro,


Mabigat ang probema ko ngayon dahil dati nang nambabae ang mister ko at nang nahuli ko siya, nangako siyang hindi na uulit, pero wala pang isang taon, may bago na naman siyang babae.


Sa ngayon, balak ko na siyang layasan at tuluyang iwanan. Kung makikipaghiwalay na ako sa asawa ko, may ikalawang pag-aasawa pa bang mangyayari sa aking kapalaran? Sa ikalawang pag-aasawa, mas magiging maligaya na ba ako? May 2, 1982 ang birthday ko.


Umaasa,

Yasmin ng Bagbag, Novaliches, Quezon City



Dear Yasmin,


Ganito ang gawin mo, kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio at kapwa mo Taurus, tama ka na maaari nga kayong maghiwalay dahil hindi mo siya katugma o ka-compatible.


Subalit kung Virgo, Scorpio o kapwa mo Taurus ang zodiac sign ng mister mo, kahit babaero siya, tiyak ang magaganap – hinding-hindi kayo magkakahiwalay, higit lalo kung ang mister mong mahilig mambabae ay isinilang sa mga petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.


Gayunman, kung halimbawang nagkahiwalay na kayo ng mister mo dahil hindi mo siya ka-compatible, mas mainam na kung sakaling mag-aasawa kang muli, isaalang-alang mo ang nasabing mga zodiac sign sa itaas, na muli ko na namang uulitin, silang isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio o kapwa mo Taurus, higit lalo kung ang birth date ng lalaking susunod mong mapapangasawa ay 7, 16 at 25. Kapag ganu’n na ang nangyari, tiyak ang magaganap – sa piling ng nasabing lalaki, tulad ng nasabi na, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page