Street drug pusher, timbog
@Balitang Probinsiya | July 8, 2023
ILOILO -- Isang street drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bangac, Mina sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jayson Gobuyan, 27, at residente ng Bgy. Tigum, Pavia.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ngayon si Gobuyan na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.



Comments