Stepfather, sinaksak ng kaaway ng stepson
@Balitang Probinsiya | May 5, 2023
AKLAN—Isang stepfather ang sugatan nang saksakin ng lalaking nakaaway ng kanyang stepson, kamakalawa sa Bgy. Muguing, Numancia sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Sonny Reprado, 40, samantalang ang suspek ay si Errol Gawan, nasa hustong gulang, at kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita ni Reprado na nag-aaway ang stepson niyang si Rey Guarino, nasa hustong gulang at si Gawan kaya't ang ginawa ng biktima ay umawat, pero siya ang napagbalingan ng suspek na saksakin.
Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas si Gawan, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Nakapiit na si Gawan sa detention cell ng himpilan ng pulisya, samantalang ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima.



Comments