Stepdad na gumahasa sa stepdaughter, tiklo
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 23, 2023
PALAWAN--Isang stepfather ang inaresto ng mga awtoridad kamakalawa dahil sa panggagahasa sa kanyang stepdaughter kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya, ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek at ang biktima.
Ayon sa ulat, ginahasa umano ng suspek ang kanyang menor-de-edad na stepdaughter habang silang dalawa lang ang nasa loob ng kanilang bahay.
Matapos umano ang panggagahasa ay pinagbantaan ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong sa kanilang mga kamag-anak tungkol sa panggagahasa niya sa dalagita,
Dahil hindi masikmura ang ginawa sa kanya ng suspek ay nagtungo ang biktima sa pulisya at ipinaaresto ang kanyang stepfather.



Comments