ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 27, 2024
Kinagigiliwan ang bardagulan nina SB19 Stell at Pablo sa The Voice Kids (TVK). Lagi kasing pinipili ng mga contenders si Coach Stell kahit hindi nga nito iniikutan ang mga kids.
Dahil diyan, madalas itong nakukuyog nina Coaches Billy Crawford at Julie Anne San Jose, pero matindi kapag si Pablo ang umookray dito.
Kung hindi mo nga kilala na very close ang dalawa, iisipin mong nagpepersonalan sila o hindi kaya naman ay mapagkakamalan mong may BL (boy’s love) na ganapan. Hahaha!
Tila nga nasanay na sa sari-saring intriga ang dalawa lalo na si Stell. Matapang nitong sinasagot ang mga bashers at isyu na para sa kanya ay luma na.
Kyut nga para sa amin ‘yung pagtataray niya at pagtatanong ng "Wala bang bago?" sa mga bashers niya. Hahaha!
NAPANOOD namin ang interbyu ni Enzo Almario sa vlog ni Papa Ogie Diaz kamakailan.
Matalinong nagpahayag si Enzo ng kanyang naging mga karanasan sa sinasabing ‘sex predator’ niya umanong si Danny Tan noong siya’y 12 years old.
“Multiple times,” ‘yan ang paglalarawan ng dating child singer sa umano’y madalas na ‘paggamit’ sa kanya ng kilalang musical director na nagsilbi rin daw nilang manager noon nina Rita Daniela at Julie Anne San Jose.
Dumating na lang daw sa puntong tinatanong niya ang sarili kung bakit nangyayari ang mga ganu’n at tila curios na siya sa ‘sensation’ na naibibigay nito sa katawan niya.
Samantala, nitong nasa hustong edad na lang daw niya na-discover through friends na ‘rape at pag-violate’ sa kanyang murang-edad at katawan ang ginawa sa kanya ng naturang sex predator.
Although, lumampas na yata sa prescriptive period na 20 years as per the law ang posibleng rape case na puwedeng isampa kay Mr. Danny Tan, sa tindi ng naging pasabog na ito, daig pa nga ni Danny ang binitay dahil sa mga panghuhusga laban sa kanya ng sambayanan, lalo’t nailarawan siya bilang isang ‘rapist.’
Mabenta kahit walang ka-love team…
ALEXA, NAG-SOLO NA, KD INILAGLAG
HMMM… Mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging solo artist ni Alexa Ilacad. After kasi ng hit TV series niya with KD Estrada na Pira-Pirasong Paraiso (PPP), biglang naging co-
host siya ng ongoing na PBB Gen 11, minus KD.
Then sa nasilip naming teaser ng Mujigae, isang aktres na Alexa ang nakipagtagisan ng husay kina Richard Quan, Korean actor Kim Ji Soo at sa aabangang child star na si Ryrie Quinto.
Interesting ang tema ng movie dahil mukhang tinatalakay nito ang isyu ng pagiging ‘adoptive mother’ ng isang single woman na ayaw ng responsibilidad.
Kasali rin sa cast sina Rufa Mae Quinto, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Scarlet Alaba atbp. under Direk Randolph Longjas.
Well, hindi kaya nape-pressure si Alexa ngayong tila nagtatagumpay siyang gumawa ng mga solo projects without a ka-love team?
Paano kaya magre-react ang mga KDLex (KD at Alexa) fans?
Kommentare