top of page
Search
BULGAR

SSS member, dapat nakarehistro sa My.SSS

by Info @Buti na lang may SSS | Oct. 13, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais ko sanang i-verify ang aking hulog sa SSS subalit wala akong oras upang magpunta sa SSS branch. Mayroon bang paraan na i-verify ko ang aking mga hulog sa SSS ng hindi na kailangan pang pumunta sa inyong opisina? Salamat. 


— Alvin


 

Mabuting araw sa iyo, Alvin! 


Aming hinihikayat ang mga miyembro na magrehistro sa My.SSS portal at gumawa ng kanilang online account para sa mas mabilis na pakikipagtransaksyon sa SSS. 

Alvin, upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa aming website, www.sss.gov.ph. I-click mo ang “Create a My.SSS account or login.” Dadalhin ka nito sa register to My.SSS page at i-click mo ang “Create account” upang masimulan ang iyong pagrerehistro dito. Punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang dapat ilagay mong e-mail address ay aktibo at na-access mo pa.


Magpapadala ang SSS ng activation link sa email address na ginamit mo sa pagrerehistro. Upang makapaglagay ng password at para ma-access ang iyong My.SSS account.


Isa sa transaksyon na maaari mong gawin sa My.SSS ay ang pagmomonitor ng posting ng iyong monthly contributions.


Sa kabilang dako, hinihikayat ka rin namin at iba pang miyembro, maging ang mga employer at pensyonado na protektahan ang inyong login credentials sa My.SSS gayundin ang iba pang personal na impormasyon gaya ng inyong SS number upang hindi magamit ang inyong account sa fraudulent transaction.


Isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga fraudulent transaction ay ang ugali ng ilang miyembro na ibahagi sa iba ang kanilang login credential gaya ng username at password sa mga taong hindi nila lubos na kilala o hindi nila kaano ano. 


Dapat panatilihin mong confidential ang iyong login details upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga online scammer at hacker. At hindi magamit ang iyong My.SSS account sa masamang gawain ng mga taong ito.


Hinihiling namin sa iyo na huwag mong i-share ang iyong username, password, at iba pang login details na may kaugnayan sa iyong My.SSS account sa mga taong hindi awtorisado ng SSS. Sapagkat ang pagbibigay ng iyong username at password ng iyong My.SSS account sa ibang tao ay maihahalintulad sa pagbabahagi ng PIN iyong ATM card sa iba.


Pinaalalahanan ka rin namin na huwag kang makikipagtransaksyon sa mga fixer o unauthorized individual upang maiwasang magamit ang iyong My.SSS sa fraudulent transaction.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon. 


 

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page